133133
Swerte ako, pero di sapat yung swerte na yun para maipasa ko yung qualifying exams ko. Nakakafrustrate!, kung sanang di ako minalas one week before nung exam “baka sana”… Baka sana pumasa ako, baka sana nakareview ako ng kahit konti pa, baka sakaling nakatulong pandagdag ng konting puntos para makaabot ako sa listahan…
Kung sanang sineryoso ko yung 3 weeks na nasayang sa papetiks petiks lang, binalak ko kasing mag-ala superwoman na pipiliting ipasok sa short term memory yung 4 na subjects in one week, dahil kadalasan pag nagccram ako dun ako pumapasa at pag sobrang pinaghihirapan ko, di ko nakukuha… Nakakainis bakit ba ganun?
Dami kong plano nung magsisimula palang e, yung kung pano ako magrereview at lahat lahat. Meron pa nga akong taglish version ng mga subjects para maintindihan ko lalo, may mga quizzers at practice materials, kaso yung mga yun di ko nagamit, kung sanang dati ko pa sinimulan… Baka natapos ko sana…
Yung ayan nanaman ako sa naparaming “kung sana” at “baka sana”, at umasa… Tulad ng lahat ng takers, binigay ko yung 101% sa quali na yun, kinabukasan ko yun e. Mabilis ako sumagot pag nagtetest pero nung araw na yun pinromise kong babagalan at ittry ng ittry na sagutin lahat at pipiliting sagutin yung mga di ko alam sagutan. Nakasalalay mga pangarap ko dun syempreeeee!:-)
Nakakalunod yung kaba na mararamdaman pag naririnig at napaguusapan yung “results”, lahat naman siguro kami umasang pumasa, every 11:11 o baka nga 24/7 yun lagi winiwish ko, na sana pumasa LAHAT kami, bait ko ba kasi nilahat ko talaga?, ayoko kasi yung ako lang e, mas masaya kung makukuha namin lahat yun.
Nakakatawa pero nilagay ko pa talaga yung congratulations plus yung name ko dun sa date ng labasan ng results, May 11 yun sabi nila, turo yun nung naging prof ko nung first year ako e, masarap tignan at pangarapin, pero di lahat ng pangarap at lahat ng gusto mo makukuha mo e, lahat ng tao swerte pero may mga MAS SWERTE lang talaga. May 10 nila nilabas yung results mas maaga sa inaasahan ko kaya yan tuloy nawasak mga pangarap ko! Pero joke lang syempre, MOVE ON MOVE ON DIN, Magiging CPA pa din naman ako… soon!:-)
